6.10.16

Rosanna Roces nagdeny na Kabit sya pero inaming Bugaw sya

Rossana Roces latest pic

Sinagot na ni Rossana Roces ang akusasyon sa kanya ni Nonilo Arile sa pagdinig sa Kamara. Itinanggi ni Rosanna Roces na naging Kabit sya ng drug lord na si Vicente Sy pero inamin nyang naging Bugaw sya para dito. Sa Facebook post nya, sinabi ni Osang na nasa Legazpi City, Albay ngayon:

Paanong magiging mistress eh babae ang dinadala ko ke Enteng (Vicente Sy). Kada hatid ko ng babae ay 25k ang binibigay sa akin. Kahit na reject pa ang babaeng dalhin ko. Kung naging mistress ako di sana nabayaran ko ang 2m na talo ko sa kaso sa Gma. (Note: GMA Network sued her for breach of contract)
Di na sana ako nagpapakahirap magtrabaho ngayon. Baka producer na ako. Hindi droga ang business ko sa bilibid. Monterey....taga deliver ng karne. Isang tao lang ang kausap ko dun. yung sinasabi nilang si vicente sy. Madaling magtahi ng kwento pero mahirap ang magpatunay.  
Kilala ko din sina noel martinez dating mayor ng g.i ..dahil nag concert na din kmi sa loob. Kasama sina aprilboy at selina sevilla. Dun ko na meet si jaybee sebastian dahil na interview ako o nahingian ng mensahe sa kanyang Btv o bilibid tv. Other than that wala na akong naging dahilan para bumalik. Lalona nung ang huling nadala ko palang babae ay maysakit😞
P.S 3yrs ago na po yàn.

Popular Posts