7.9.16

KathNiel Handang Magpa Drug Test


Hindi kasama ang KathNiel sa 40 Star Magic talents na negative ang resulta ng drug test. Pero ito ay sa kadahilanang noong isinagawa ang Star Magic drug testing, kasalukuyang nagso-shooting ang magkapareha ng pelikula nilang 'Barcelona: A Love Untold.'

Iginiit nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na willing silang magpa-drug test. Ang hindi lang sang-ayon si Daniel Padilla ay ang pagsiwalat sa ngayon ng pangalan ng mga artistang gumagamit ng droga.

Dahil pa rin sa pinaigting na kampanya kontra-droga ng pamahalaan, sunud-sunod ang mga nagpapasailalim sa drug testing. Alamin ang bawat hakbang sa mabusising prosesong ito. 

Popular Posts