Pari Nagpayo kay De Lima: "Huwag magpatinag kay Duterte"


Pinayuhan ni Fr. Atillano Fajardo ng Archdiocese of Manila si Senator Leila de Lima na magpakatatag sa gitna ng umano'y ginagawang "character assassination" ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kanyang pagkatao.



Sa pahayag ni Fr. Fajardo sa Radyo Veritas sianbi nyang wag magpatinag si De Lima kay Duterte:“Dapat siyang (De Lima) magpakatatag, dahil hindi madali ang ginagawa niya. Huwag patitinag, ang ipinaglalaban niya ay para sa bayan."

Dagdag ng pari, na tila patungkol sa "affair" ni De Lima sa kanyang driver na si Ronnie Dayan: "Walang sinuman ang hindi nagdaan sa kasalanan at may kahinaan kaya’t wala ring sinuman ang dapat na maghusga. “Kaya’t ipagdarasal natin siya."

Dagdag ni Fr. Fajardo: "Tayong lahat ay may pinagdaaanang mga kahinaan, kasalanan, at nabigyan ng pagkakataon na magbago at mapatawad."

Iginiit ng pari na hindi naibigay sa mga napaslang sa "war on drugs" ang pagkakataon na sila'y mapatawad.

Si Father Fajardo ay convenor ng "Huwag kang Papatay Movement" at siya rin ay direktor ng Archdiocese of Manila Public Affairs Ministry.