Order na sa Shopee

Order na sa Shopee
Click ad to go to Shopee

19.8.16

Mike Arroyo: De Lima Naka-karma na!

Nagsalita na si dating Unang Ginoo Mike Arroyo laban kay Senator Leila de Lima at sinabi nyang naka-karma na si De Lima sa mga pang-aaping ginawa nito sa kanya at kanyang asawang si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa loob ng anim na taon.
Sa isang Facebook post ngayong araw (August 19), sinabi ng Dating Unang Ginoo na sya at si GMA ay biktima ng ginawang 'political persecution' ni De Lima bilang Justice Secretary sa ilalim ng Noynoy Aquino administration.
Inungkat ni Ginoong Arroyo na sa kabila ng kautusan ng Supreme Court, pinigilan pa rin ni De Lima na makalabas ng bansa si GMA upang magpagamot.
At maging sya ay ginawan ng kasamaan ni De Lima ng paratangan syang tatakas ng bansa pero nakabalik din naman. 
Ngayon, sinabi ng Dating Unang Ginoo na walang karapatang magsalita ng 'very foul' kay Duterte dahil gawain ni De Lima dati ang gumawa ng foul.

Popular Posts