Pages

Imee Marcos Isa sa Pinakamagagaling na Lokal na Opisyal sa Pagsugpo sa Droga


Hinirang na isa sa pinakamagagaling na lokal na opisyal sa pagsugpo sa droga si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos. Kabilang si Gov. Imee Marcos sa sampung gobernador na pararangalan ng gobyerno ni Pangulong Duterte dahil sa matagumpay na paglaban sa paglaganap ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan.
Maliban kay Imee Marcos, kasama din sa pararangalan sina: Governors Faustino Dy III (Isabela), Junie Cua (Quirino), Jose Alvarez (Palawan), Eduardo Firmalo (Romblon), Alfredo MaraƱon (Negros Occidental), Edgardo Chatto (Bohol), Hilario Davide III (Cebu), Daisy Avance-Fuentes (South Cotabato) and Ma. Angelica Rosedell Amante-Matba (Agusan del Norte).

Sina Governors Dy, Alvarez, Maranon, Chatto at Davide ay masugid na sumuporta sa kandidatura ni Mar Roxas, ang natalong presidential standard-bearer ng Liberal Party.

Ang mga napiling lokal na opisyal ay dumaan sa isang masugid na tatlong baytang na pag sala sa kanilang mga nagawang aksyon kontra droga ayon sa pagsusuri ng DILG.

Noong una ay 41 na gobernador ang nakonsiderang kalahok, mga nabigyan ng parangal ng DILG’s Seal of Good Local Governance.

Eto kalaunan ay naging 25 sa pangalawang baytang ng pagsusuri. Anim na gobernador ang tinanggal sa listahan dahil sa kaso ng katiwalian na kinakaharap nila o kaya ay pagiging kasali sa isang dinastiya.