16.6.15

Vice Ganda, Nang Award sa Award!

Ipinagyabang ni Vice Ganda ang kanyang napanalunang award — ang "Phenomenal Star of Philippine Cinema" sa 46th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, na ginanap noong Linggo, June 14 sa Solaire. Buong tapang niyang tinuya ang kanyang mga "haters" sa kanyang Instagram post:
To all my haters i know this is such a sad day for all of you. Sorry to bring you this very bad news. Im very sure this will offend all of you. Allow me to present to you my 4'th Box Office Award. Yes, THE PHENOMENAL STAR OF PHILIPPINE CINEMA is ME, VICE GANDA!!! I share this achievement to all my supporters. And to all my haters, SORRY NOT SORRY! Heheheh! Peace! #PambwisitSaMgaBwisitLOL
Umani din ng pagpuna ang suot at ayos ni Vice Ganda sa naturang awards night (See above photo). At dahil sya ay si Vice Ganda, may sagot din sya para dito para ipagtanggol ang sarili. Sinabi ni Vice na sya ay isang fashionistang nag avant garde or couture look. Hinamon pa nya ang mga "haters" na subukang magsuot din ng katulad na estilo kung kaya nila:
Ito ang aura ko kagabi sa Awards Night. Sa mga fashionista ang tawag nila sa ganyang look ay avant garde o couture. Sa mga pangkaraniwang tao naman ang tawag nila sa ganyang style ay #ShabuPaMore !!! Kanya kanyang trip lang yan! Heheh! #Freedom #DiNyoKaya

Popular Posts