Pages

Erik Santos Dinemanda si Jobert Sucaldito

Erik Santos and manager Cornerstone Entertainment president Erickson Raymundo, filed 43 counts of libel and other charges against entertainment columnist and radio host Jobert Sucaldito on Thursday, March 30, according to an official statement from their legal counsel, Atty. Joji Alonso.



“OUR OFFICIAL STATEMENT. Erickson Raymundo and Erik Santos have decided to take legal action against Jobert Sucaldito for his acts totalling 43 counts of cyber libel, 12 counts of grave threats, 1 count of slander and 2 counts of libel. The vicious cycle of mercilessly maligning the reputation, sexuality, character and integrity of persons using social media, only to delete it after the damage has been inflicted as if nothing happened, has got to stop. We trust that justice will be served.”

For his part, Jobert Sucaldito said he will answer everything in court:
Ito na lang ang gusto kong maging official statement ko regarding the overwhelming cases filed against me by Mr. Erickson Raymundo and Mr. Erik Santos sa QC para di ko na isa-isahing sagutin ang mga friends natin from the media re my reaction. "Yes, nakarating na po sa akin ang balitang sinampahan ako ng sandamakmak na kaso ng mag-talent/manager na Erik Santos and Erickson Raymundo sa Quezon City court kaninang umaga. Nagsimula lang ito sa gulo namin ni Erik Santos who happens to be the artist of Cornerstone na pag-aari ni Erickson. When I posted something dito sa FB page ko regarding my hinaing, in-elevate agad ito ni Mr. Erik Santos sa management ng ABS-CBN by writing to them a complaint letter against me hanggang sa ma-suspend ako from radio anchoring sa Mismo program namin ni Papa Ahwel Paz (pinag-Vacation Leave With Pay ako). Hangga't hindi raw ako nagbibigay ng explanation regarding our issue, hindi ako makakabalik sa show siyempre. They will take it from there. Anyway, ang sa ganang akin lang naman, it's anyone's right to go to court if he thinks his rights are violated and kahit maliit na nilalang lang ako sa mundo, haharapin ko ito at lalaban nang patas. Kahit mahirap lang ako, mag-iipon ako ng konti para meron akong ipambayad sa aking abogado para madepensahan naman ang panig ko, di ba? Ang ikinalulungkot ko lang ay kung bakit kailangan pang sumama sina Sam Milby, Jaya and K Brosas sa dalawa when they filed the case. Dito ako mas nasaktan - ano kaya ang nagawa kong kasalanan kay K Brosas na even before siya nagpa-manage kay Erickson Raymundo ay minahal ko siyang parang anak-anakan dahil alaga siya ni Kuya Boy Abunda before? Kay Jaya naman, it's a common knowledge na sobrang minahal ko ang kaniyang namayapang inang si Mama Elizabeth Ramsey even during the last hours of her life - itinuring akong parang sariling anak at sobrang minahal ko. Si Sam Milby naman - it's very painful for me to see him support them in this filing of cases against me. I'd like to understand them na lang - na kaya nila nagawa ito dahil maaaring kinausap sila ng manager nilang samahan sila or kung bukal man sa kalooban nilang ipakita ang suporta nila against me, I don't know how to understand it now. Dito ako mas nasasaktan. Pero yung sa kaso, haharapin ko ito at ilalaban hanggang sa kahuli-hulihang sandali ng buhay ko. Imagine, in full force daw silang lahat with matching bodyguards pa nang pumunta sa korte. Mabuti na lang at wala roon sina KZ Tandingan. Richard Poon and Pooh na sobrang mahal ko rin na mga alaga rin ng Cornerstone. And even if they will give their full support sa dalawang complainant, pilit kong uunawain. Ganoon talaga ang buhay sa showbiz. Hihintayin ko na lang ang documents re these cases they filed against me para makapag-submit naman kami ng lawyer ko ng aming counter-affidavit. Maraming salamat po sa inyong lahat.