Pages

Noynoy Aquino Nagpahayag tungkol kay Duterte at De Lima


Kapansin-pansin na tila nangayayat si dating Pangulong Noynoy Aquino nang dumalo sa pag gunita kasama ang mga kapatid maliban kay Kris Aquino, sa ika-33rd death anniversary ng kanilang ama, Benigno "Ninoy" Aquino Jr. na pinaslang noong August 21, 1983 sa tarmac ng tinatawag dati na Manila International Airport, na ngayon ay ipinangalan na sa kanya na Ninoy Aquino International Airport.

Ang naturang airport ay pinagawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1982 at hanggang sa kasalukuyan at patuloy pa ring ginagamit na pangunahing pandaigdigang paliparan ng Pilipinas.


Tikom ang bibig sa ngayon ng tanungin ang dating Pangulo tungkol sa planong pagpapalibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani pero may ulat na naghahanda ng pahayag ang mga Aquino sa planong pagpapalibing sa dating Pangulong Marcos.

Isa lang ang tiyak, syempre isang malaking milagro kung papayag ang Aquino family.

Nagpahayag naman ang dating pangulo ng kanyang saloobin sa umanoy hidwaan ng salita nina Pangulong Duterte at Senador De Lima. Ipinahayag ng dating pangulo na sana ay daanin na lang sa proseso ng korte kung may mga ebidensya laban sa isat-isa.

Dumating din sa naturang pagtitipon ang dati namang di dumadalo sa ganitong okasyon na si dating kalihim ng DILG Mar Roxas.