Order na sa Shopee

Order na sa Shopee
Click ad to go to Shopee

10.9.15

Eyewitness Account of Enrique Gil Drunk in Plane Scandal

As promised by IC Mendoza in his pasabog IG post, his gossip TV show, TV5's Showbiz Konek Na Konek aired an interview of an alleged eyewitness to the whole incident involving Enrique Gil, Liza Soberano, Jessy Mendiola etc on a flight enroute to London last September 4, 2015.

Here is the eyewitness' account:

Last Friday, September 4, at around 1PM, batch 2 group composed of Enrique, Liza, Luis Manzano, Jessy Mendiola, Paulo Avelino, Jake Cuenca, James Reid, Nadine Lustre, with Vicki Belo and Hayden Kho, boarded their flight and were seated in business class.

Pagsakay pa lang daw ni Enrique ay halata na raw na nakainom ang young actor, “rowdy” na raw si Enrique. Here are the photos of Enrique Gil in NAIA before their flight to London. Does he looks like he is tipsy already?
The Kapamilya stars slept on the first hours of their flight. At around 8PM, Paulo Avelino woke up and ordered for an alcoholic drink, a Black Label. Jake Cuenca soon woke up and also asked for the same drink. Paulo and Jake then went near where the lavatory is located and engaged in animated conversation. Soon after, Hayden Kho joined them in their kwentuhan.

When Enrique Gil woke up, he also asked for an alcoholic drink but the flight attendants did not heed his order as they were earlier requested by Enrique's handler/road manager to not give alcohol to the young actor.

But the eyewitness noticed that even if the FA's did not give Enrique a drink, Paulo and Jake passed on to Enrique the alcoholic drinks. Pagkatapos ng ilang oras, pinakiusapan daw ng flight attendants ang mga nag-iinumang artista malapit sa lavatory na bumalik na sa kanilang mga upuan upang makapag-prepare na sila ng breakfast.

Kasunod nito ay kinukulit na raw ni Enrique si Liza, na katabi niya sa eroplano. Pero hindi raw pinapansin ng young actress ang ka-loveteam. Tubig lang din daw ang hinihingi ni Liza sa flight attendants. Hanggang sa pumunta ng bathroom ang 17-year-old actress. Bago pumasok ng lavatory, sinabihan daw nina Jake at Paulo si Liza na pansinin na nito si Enrique.

Ngunit sa pagkakarinig ng eyewitness, sabi raw ni Liza: “You know what, guys, you will get me in trouble…” Habang nasa banyo raw si Liza, napagbalingan naman daw ni Enrique ng pangungulit ang katapat nito sa upuang si Jessy. Katabi naman ni Jessy si Luis.

Kitang-kita raw ng eyewitness na parang hinahawakan at hinahaplos-haplos ni Enrique ang balikat ni Jessy. Si Jessy raw ay nakangiti lang, pero hindi nakatingin kay Enrique. Parang ang dating, dedma lang si Jessy sa pangungulit ni Enrique dahil nakainom na raw ang young actor. Napansin din ng eyewitness na may mga ibinubulong pa raw si Enrique kay Jessy.

Dito na raw nagsimulang magkaroon ng sagutan sa pagitan ng mga artistang sangkot. Sinabihan daw ni Luis si Enrique na ang alak ay dapat sa tiyan nilalagay, hindi sa utak; dala na rin ng pagiging makulit na raw ni Enrique. Pagkatapos nito ay nagsisigaw na raw si Enrique.

Sa puntong ito ay nakabalik na raw si Liza sa kanyang upuan galing sa banyo. Narinig daw ng eyewitness na sinabihan ni Enrique si Liza ng ganitong mga salita, in exact words: “F*#k you, you b#^ch!” Hindi lang daw ito sinabi ni Enrique kay Liza kundi pati kay Jessy.

Kasunod daw nito ay parang naghahamon na ng away ang aktor. Inawat daw siya nina Paulo at Jake, pero hindi nila ito maawat. Mabuti na lang daw at nandun si Hayden, na malaking bulas, kaya napigilan daw nito si Enrique. Nakabasag pa raw ng baso si Enrique.

Dito na rin daw nagkagulo at pumasok na sa eksena ang flight manager. Kung pagbabasehan daw kasi ang rules ng biyahe ng eroplano, maituturing nang “unruly passenger” si Enrique na dapat, pagdating nila sa London, ay huhulihin na ito ng airport police. Ito raw ang procedure kapag may unruly passenger.

Dito na rin daw dumating ang production assistants at road managers ng mga artista na galing sa economy class. Nakiusap daw ang handler ni Enrique sa namumuno ng flight na huwag nang i-report ang insidente dahil sila-sila lang naman daw ang apektado. Tila pumayag naman daw ang piloto at hindi na ini-report ang insidente.

Noong lumapag na raw ang eroplano sa London, bandang alas-9 ng gabi, September 5, nagpuntahan daw lahat ang production assistants at road managers sa business class. Ipinasarado rin daw nito ang kurtina ng eroplano. Dumating din daw sina Shaina Magdayao at Enchong Dee sa nasabing bahagi ng eroplano.

Nagpa-serve pa raw sila ng kape dahil hindi raw magising si Enrique dahil sa kalasingan. Nang nagising na ang aktor, pinainom na raw ito ng kape at pinagbihis. Nadiskubre rin daw na nawala ang telepono ni Liza, pero kalaunan ay nakita raw itong naipit sa silya kaya nagpatawag pa raw ng mekaniko.

Hindi pa raw rito natigil ang kakulitan at pag-iingay ni Enrique. Habang nakapila raw sa Immigration, patuloy pa rin daw ito sa pangungulit at pag-iingay kaya tinakpan na lang daw ng kanyang handler ang bibig nito. Baka raw kasi mapansin ng Immigration officer ng London airport ang inaasal nito at baka mapadampot sa pulis.

Sa buong kuwento ng ating eyewitness, hindi nito nabanggit na nasampal ni Liza si Enrique. May nakapagsabi raw sa kanya, pero hindi raw niya ito personal na nakita. Tungkol naman sa away nina Enrique at Luis, ayon sa eyewitness, nagkasagutan ang dalawa dahil nambabastos na raw si Enrique ng babae. Wala naman daw suntukang nangyari. At sa buong pangungulit daw ni Enrique kay Jessy, hindi raw nagri-react ang aktres.

Popular Posts