Tuesday, June 16

Kris Aquino may Bagong Isyu kay James Yap!

Tila napuno naman si Kris Aquino sa isang nag-komento sa kanyang Instagram post nang manalo ng award ang kanyang anak na si Bimby Yap ng Most Popular Male Child Performer sa 46th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, na ginanap noong Linggo, June 14 sa Solaire. Hindi nakadalo sa awards night si Kris Aquino at sa kanyang IG post ay marami syang pinasalamatan kabilang na ang ama ni Bimby na si James Yap pero ang higit sa lahat na pinasalamatan ni Kris ay si Vice Ganda na tinawag nyang "honorary stepfather" ni Bimby, at "asawa" nya:
Nilabanan ko ang antok waiting to see Bimb even just through the pictures taken by @jacksalvador & @darlasauler. Belated happy birthday to our love @therealryzza. We'll see you soon for a movie or beach date. To @starcinema, Direk @wennderamas, all his costars, @akosimangtomas, @iamrichardyap, and his love tita @cathygonzaga, and most of all his honorary stepfather, my asawa @praybeytbenjamin THANK YOU for guiding & loving Bimb! Thank You @malousantos03, Ninong Boy Abunda, and Ninong Deo Endrinal. And I'm sure #JamesYap shares my pride in how loving & lovable, kind hearted, well mannered, and smart our Bimb has become! Kuya took NyQuil because bad na his cough & body aches... We love you so much Bimb! Come home na please, sleep na tayo. Kuya & I are lonely when we can't squish you between us. #ProudMamaMoment
Hindi naman eto nagustuhan ng isang netizen (@siapaulina) at nag react sa sinabi ni Kris Aquino na tila mas pinahalagahan pa si Vice Ganda kesa sa tunay na ama nitong si James Yap:
@withlovekrisaquino bakit hindi s[ James Yap ang pinasama mo? im sure mabilis pa sa alas kuatro! "And I'm sure #JamesYap shares my pride in how loving & lovable, kind hearted, well mannered, and smart our Bimb has become" NO....... kasi kng ganyan sya tatay nya dapat ngayon ang kasama nya hindi ang honorary stepfather nya!
Sinagot ni Kris Aquino ang naging komento ni @siapaulina at isiniwalat nya na kahit may tampo si Bimby kay James Yap dahil sa nasaktan eto sa mga nasabi ni James noong nakaraang Marso, tinext pa din nya si James para sa isang Father's day get together next week:
@siapaulina naka medication ako so straight truth ito. I text James regarding a Father's Day merienda for him w/ Bimb any day next week. He said Wednesday. You don't know us personally, you don't know how much I needed to make pakiusap kay Bimb na mag merienda sila. And since MAKULIT ka & gusto mo nang GULO, may nasabi si James na nasaktan ang feelings ni Bunso... I got home from taping & he was still crying from their phone conversation. Last PATOL ko na sa yo... March pa nangyari yun. Stop making it about my lack of effort, the fact I initiated for Bimb to see his dad even though my son still has hurt feelings means I have the ability to process emotions maturely. And if you will continue to make pakialam sa buhay pamilya namin, please enclose address & contact details, kasi siguro sa super sawsaw mo, mag contribute ka na rin sa allowance & milk money ng Anak namin para naman you put your money where your mouth is.
A netizen (@henyoboy) revealed that Bimby did not thank his father James Yap in his acceptance speech:
I saw the interview of Bimby where he dedicated his award to everyone but not James Yap i hope felt bad sana he also included his father he would not be good looking if not from his father James. I am.a fan of Kris and Bimb but I pray that everything goes well with both of his parents.
continue reading "Kris Aquino may Bagong Isyu kay James Yap!"

Isabelle Daza Umani ng Batikos ng tawagin ang sarili na SiquiWhore sa Siquijor

Isabelle Daza (left) and Martine Cajucom (right)
Umani ng batikos ang bagong Kapamilya actress na si Isabelle Daza nang tawagin ang sarili na Siquiwhore habang nagbabakasyon sa Siquijor. Kalakip ng selfie ni Isabelle Daza at ng kasamang fashion blogger na si Martine Cajucom, ang ipinost na hashtag na "siquiWhores" sa kanyang Instagram:
We're here to insta! Lol #siquiWhores #dumagetiton
Hindi nagustuhan ng ibang mga taga-Siquijor ang ipinost na hashtag ni Isabelle Daza at sabay sabay nilang kinuyog sa social media ang actress. Umalma ang mga ito sa pag-ugnay sa probinsiya ng Siquijor sa salitang “whore” na ang ibig sabihin ay "p*ta." Iniisip nila ang magiging negatibong konotasyon ng "word play" ng salitang Siquijor at eto ay maaaring maugnay sa mga residente ng Siquijor. Hinimok nila ang actress na maging responsable sa pagpo-post sa social media:
"I think there's always a choice to choose words appropriately or inappropriately. People who chooses to live in such a public eye, unfortunately has pressure in that field. I personally think it doesn't matter if you a re a celebrity or ordinary person. #wordplay or not integrity is always a choice."
Hindi rin nakatiis na di magkomento ang ilang celebrities sa naturang mapangahas na hashtag ni Isabelle Daza. Kabilang sina Luis Manzano, Bianca Gonzalez-Intal, at Mark Nicdao sa nakapansin sa naturang hashtag. Tila balewala naman ang lahat ng uproar na eto kay Isabelle Daza (at kay Martine Cajucom?) dahil di man lang nagpaliwanag ang actress sa naturang post o ang karaniwang ginagawa ng mga artista sa ganitong sitwasyon, ang burahin ang kanilang controversial post.
continue reading "Isabelle Daza Umani ng Batikos ng tawagin ang sarili na SiquiWhore sa Siquijor"