Pages

Isabelle Daza Umani ng Batikos ng tawagin ang sarili na SiquiWhore sa Siquijor

Isabelle Daza (left) and Martine Cajucom (right)
Umani ng batikos ang bagong Kapamilya actress na si Isabelle Daza nang tawagin ang sarili na Siquiwhore habang nagbabakasyon sa Siquijor. Kalakip ng selfie ni Isabelle Daza at ng kasamang fashion blogger na si Martine Cajucom, ang ipinost na hashtag na "siquiWhores" sa kanyang Instagram:
We're here to insta! Lol #siquiWhores #dumagetiton
Hindi nagustuhan ng ibang mga taga-Siquijor ang ipinost na hashtag ni Isabelle Daza at sabay sabay nilang kinuyog sa social media ang actress. Umalma ang mga ito sa pag-ugnay sa probinsiya ng Siquijor sa salitang “whore” na ang ibig sabihin ay "p*ta." Iniisip nila ang magiging negatibong konotasyon ng "word play" ng salitang Siquijor at eto ay maaaring maugnay sa mga residente ng Siquijor. Hinimok nila ang actress na maging responsable sa pagpo-post sa social media:
"I think there's always a choice to choose words appropriately or inappropriately. People who chooses to live in such a public eye, unfortunately has pressure in that field. I personally think it doesn't matter if you a re a celebrity or ordinary person. #wordplay or not integrity is always a choice."
Hindi rin nakatiis na di magkomento ang ilang celebrities sa naturang mapangahas na hashtag ni Isabelle Daza. Kabilang sina Luis Manzano, Bianca Gonzalez-Intal, at Mark Nicdao sa nakapansin sa naturang hashtag. Tila balewala naman ang lahat ng uproar na eto kay Isabelle Daza (at kay Martine Cajucom?) dahil di man lang nagpaliwanag ang actress sa naturang post o ang karaniwang ginagawa ng mga artista sa ganitong sitwasyon, ang burahin ang kanilang controversial post.