Order na sa Shopee

Order na sa Shopee
Click ad to go to Shopee

3.10.16

Krista Miller at Dalawang Sexy Models Arestado sa drug-bust

Krista Miller

Arestado si Krista Miller at dalawang modelo sa isang anti-illegal drug operation sa Quezon City, ngayong Lunes.

Nakatakdang idetalye ng Quezon City Police District (QCPD) ang kanilang pagkaka-aresto sa isang press conference ngayong araw.

Unang naugnay sa iligal na droga si Krista Miller nang bisitahin nito ang convicted drug lord na si Ricardo “Chacha” Camata sa Metropolitan Hospital noong May 31, 2014, at napag-isa silang dalawa sa loob ng 10 minuto, ngunit idinahilan nya na:

"Uulitin ko po, nagpunta lang ako 'ron bilang isang ahente ng mga condo units na nagbebenta sa isang potential client."

Matatandaan ding kinuwestyon ni noo'y Department of Justice (DOJ) undersecretary Francisco Baraan ang pagdadala kay Camata sa ospital, gayong wala naman umano itong sakit.

Iniugnay din noon si Krista Miller bilang sanhi ng hiwalayan nina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Ang dalawang modelo ay sina Liaa Alelin at Jeramie Padolina , at tatlong lalaking kasama nilang arestado din na sina John Inri Barros, Justine Del Rosario at Renato Hernandez.
Liaa Aleli
Jeramie Padolina

Popular Posts