Order na sa Shopee

Order na sa Shopee
Click ad to go to Shopee

27.8.16

Wow Mali: Deniece Cornejo itinalagang Youth Ambassador


Isa na naman bang wow mali to o isang media manipulation laban kay Pangulong Duterte? Kumakalat sa social media na ang kontrobersyal na si Deniece Cornejo, nakulong sa salang pagpapabugbog at pag set-up kay Vhong Navarro, (o kaya sya ay isang rape victim, depende kung kanino ka maniniwala), ay nabalitang itinalagang isa nang "Youth Ambassador."


Ang katotohanan sa likod ng mga bali-balita ay, si Deniece Cornejo ay itinalagang Youth Ambassador of Goodwill ng isang Mindanao-based international NGO, ang The Chivalric Order of the Royal House of Baloi. Ang NGO o non-governmental organization ay bale ganun lang, isang organisasyon na hindi parte ng gobyerno ng Pilipinas.

Samakatwid, ang pagkakatalaga kay Deniece Cornejo bilang Youth Ambassador of Goodwill ay hindi isang posisyon sa gobyerno, nangangahulugang walang kinalaman ang gobyerno sa kanyang pagkakatalaga. In short, hindi inappoint si Deniece Cornejo ng Duterte administration sa kahit anumang posisyon sa gobyerno.


Popular Posts